MAYNILA, Pilipinas - Niloko ka na ba? Nanloko? O tingin mo niloloko ka? Ito ay para sa iyo kaibigan. :)
Kaibigan,
Huwag kang malungkot.
Hindi mo kasalanan.
Huwag kang mag-alala.
Hindi siya kawalan.
Huwag ka ng umiyak.
Hindi siya kasing halaga ng bawat pagpatak ng luha mo.
Alam ko ang tanong mo sa sarili mo. Saan ka nagkamali? Ang sagot? Wala. Wala kang ginawang mali. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa kagaguhang ginawa niya sa'yo. Hindi kailanman naging mali ang magmahal ng totoo. Ang mali ay yung gagantihan ka ng kabaliktaran. Ang mali ay yung lolokohin ka sa kabila ng lahat ng pagmamahal na ibinigay mo sa kanya.
Marami kang tanong alam ko. At alam kong ang pinakamasakit sa ngayon ang yung wala siyang ginawa upang sagutin yun. Kung hindi ka iniwan sa ere na parang isang laruang pinagsawaan matapos mong madiskubreng meron na siyang ibang kalaro, e nagmamakaawa naman siya na patawarin ka dahil lang sa nahuli mo siyang nagkamali.
Tao ka. Maganda ka. Espesyal ka.
Hindi mo dapat ikubli ang iyong sarili sa katotohanang ang taong inaakala mong makakasama mo habang nabubuhay ka ay siya mismong sisira ng pangarap mo. Dahil bukas makalawa, may nakaplano na ulit na isang bagay para sa iyo.
Tandaan mo: Hindi siya kawalan.
Kahit gaano pa kaespesyal ang nagawa niya sayo na tanging siya lang ang makakagawa, hindi siya kawalan. Uulitin ko: hindi siya kawalan.
Hindi kawalan ang mag taong manloloko.
Hindi kailanman matutumbasan ng kahit na anong bagay ang katotohanang ipinagpalit ka sa isang bagay.
Nagmamahal ka ng totoo. At naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo. Selos, galit, paghihiganti at takot. Halo-halong emosyon, kaibigan. Huhupa rin yan. Wag mong sayangin ang oportunidad na magbagong buhay. Hindi mo dapat iwanan ang katawan mo sa isang estado ng walang hanggang pagkalubog. Bumangon ka.
Ang pinakamatinding ganti mo ay ang maging masaya.
Ang basura ay nababagay sa basurahan, ika nga.
Ngumiti ka.
Mabuhay ka na tila hindi ka matitinag.
Kaawaan mo siya at hindi ang sarili mo. Dahil ikaw na lang ata ang handang magmahal sa kanya ng totoo na higit pa sa sarili mo. Kaawan mo siya dahil wala ng magmamahal sa kanya ng lubusan hanggat patuloy siyang gumagawa ng mali. Kaawaan mo siya dahil sinayang niya ang bagay na katulad mo.
Kung dumating na ang panahon na nalagpasan mo na ito, mabuti. Darating ang araw na siya na mismo ang magsisisi sa sariling mali na ginawa niya sayo. At sa panahong dumating yun, sigurado ako. Nakita mo na ang taong hindi ka lolokohin.
Sumasaiyo,
Ang Mundo.
TheWalkingJed™ (cc) 2013. This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Philippines License.
|